Ryan Paradero

Ryan


Kinatha, isinaayos, at kinanta ni Ryan Paradero (SWC ’00). Si Ryan ay nagtapos ng Forestry sa UP Los Banos. Siya ay kasalukuyang isang Financial Service Representative sa E*Trade Financial sa Metro Manila.

 

 


buhay natin
I
dumidilim na ang langit
kasawian papalapit
pagkalunod wag mong hayaan
umiwas ka sa ilog ng kamatayan

II
nauubos na kagubatan
patuloy ba natin pababayaan
kung di ka kikilos
kung di maaawa
ang buhay mo
malalagay sa peligro

CHORUS
kalikasan at buhay nino man
ay magkaugnay
panghabambuhay
wag nating abusuhin
likas yaman natin
dahil ito ay buhay natin

III
kaibigan, tayo’y kumilos na
kapaligiran, ating pangalagaan
imulat ang isip
bigyan ng pag-asa
magkaisa tayo
para sa darating na bukas

Last Updated on October 12, 2016 by Tudla_Admin