Kinatha ni Lawrence Namuco (Unity ’09)


Lawrence Namuco

Lawrence

Lawrence is a 21 year old web design and development enthusiast who is currently also a frustrated musician and an aspiring entrepreneur. He is a very proud member of the UP Varrons Ltd. If you would like to know what he’s currently up to, visit his website @ www.lawrencenamuco.com.

 

 


mahiwagang freshmanUnang araw palang ng klase
Hindi na kaagad mapakale
Sa dami ng estudyante
Wala na akong masabe

Lingon dito, lingon doon
Hindi na alam kung saan paroroon
Biglang nalihis ang direksyon
Sa’yo naibaling ang atensiyon

Ang dami nang magandang nakita
Pero sa’yo lang ako natulala
Alam kong isa kang bagong salta
Dahil first time na may pumukaw sa’king mga mata

Paano ko ba malalaman ang iyong pangalan
Pasensya na’t hindi bihasa sa ganitong larangan
Baka pwede na lang kitang ihatid
Sa iyong pupuntahan, mahiwagang freshman
Mahiwagang freshman

Gusto ko sanang magpakilala
Baka kasi kailangan mo ng kasama
Hindi hahayaang maglakad ka nang nag-iisa
Sana’y makuha ko ang iyong tiwala

Last Updated on October 12, 2016 by Tudla_Admin