Kinatha, isinaayos, at kinanta ni Ryan Paradero (SWC ’00). Si Ryan ay nagtapos ng Forestry sa UP Los Banos. Siya ay kasalukuyang isang Financial Service Representative sa E*Trade Financial sa Metro Manila.
I
dumidilim na ang langit
kasawian papalapit
pagkalunod wag mong hayaan
umiwas ka sa ilog ng kamatayanII
nauubos na kagubatan
patuloy ba natin pababayaan
kung di ka kikilos
kung di maaawa
ang buhay mo
malalagay sa peligroCHORUS
kalikasan at buhay nino man
ay magkaugnay
panghabambuhay
wag nating abusuhin
likas yaman natin
dahil ito ay buhay natinIII
kaibigan, tayo’y kumilos na
kapaligiran, ating pangalagaan
imulat ang isip
bigyan ng pag-asa
magkaisa tayo
para sa darating na bukas
Last Updated on October 12, 2016 by Tudla_Admin
[…] ibang kinatha ni Ryan ay puwedeng mapakinggan; paki-click lamang ang pahina-link ng Tudla. I Sa pagdungaw ko sa bintana Luntiang paligid agad nakita Simoy ng hangin dumampi sa […]
[…] ibang kinatha ni Ryan ay puwedeng mapakinggan; paki-click lamang ang pahina-link ng Tudla. I isang jeep na naman ang dumaan ilang oras na rin ang nakaraan at nandito pa rin ako […]
[…] ibang kinatha ni Ryan ay puwedeng mapakinggan; paki-click lamang ang pahina-link ng Tudla. I Ano ba’ng anyo mo? Tulad rin ba nila? Lumang anino Lumang […]
ano ba’ng anyo mo?
Maraming salamat!!! Patuloy pa tayong lumika ng mga makabuluhang awitin.
Kapag may MUSIKA, ang BUHAY ay nag-iiba
Kapag may musika, and buhay ay nag-iiba, isang simpleng kataga subalit makahulugan. Ang isang tao sa kabuuan ay hitik sa kalinangan at sining. May ibat-ibang anyo, may ibat ibang itsura at may kakanyahan.
Karamihan sa mga Pilipino ay mahilig sa musika. Kahit saan ka mapalingon o magpunta, may makikita kng kumakanta, nakikinig ng musika, gumagawa ng kanta at may ibang sumsayaw sa himig ng musika. Bakit nga ba marami ang mahilig sa musika?
Sa aking paningin at pakiramdam, halaw na rin sa mga karanasan, ang musika ay may kakaibang dulot at epekto sa atin. May mga ilang na ginagamit ito para maibsan ang kalungkutan, ang iba naman ay ginagamit itong tulay upang maisahatid ang mensahe sa mga taong makakarinig nito. Ang iba naman ay ginagamit ang musika na kasangkapan upang mapawi ang takot at pangamba, pagdadalamhati at kasaawian, mayroon ding inilalahad ang kanilang kaligayahan at tagumpay. Ang musika any epektibo ring pang-amo at pagpaparamdam ng pagmamahal ng isang magulang sa kanyang anak. Hindi nga ba’t tumatahan ang sanggol kapag narinig na niya ang awit ng kanyang ina?
Ang musika ang boses ng ating kaluluwa, tinig ng ating puso. Titik ng isang diwa. Katotohan ng isang guni-guni. Malawak na pang-unawa, malinis na hangarin. Ang musika sandata ng ating isip. Sinasabi rin na ang musika ay dalawang beses na higit kaysa sa panalangin, isang patunay na ito ay mabisang paraan upang magpuri sa maykapal. Maraming paraan upang ipahayag ang ating saloobin sa pamamagitan ng sining, ngunit ang musika ang nangingibabaw sa lahat. Dahil sa musika, ang magkahiwalay ay maaring maipagbuklod, ang tahimik ay nakakapagsalita, ang maingay ay nakikinig, ang pagkatao ay nabubuo.
Ang buhay ay tunay na mahiwaga at malalim, puno ng pagsubok at pag-aalinlangan. Subukan mo gamitan ito ng musika at makikita mo ang epekto nito, di lang sa’yo kundi sa paligid mo. Subukan mong kumanta o lumikha ng kanta, pakiramdaman mo ang dulot nito sa’yo at sa nakapalibot sa iyo. Pagmasdan mo ang dala nitong kulay at hiwaga. Damhin mo ang kanyang winiwika. Masasabi mo na “Kapag may MUSIKA, ang BUHAY ay NAG-IIBA.
Tumpak ang sinabi mo, vrod Ryan. Talagang walang kamatayan ang musika. Puno ng damdamin ang mga sinabi mo — parang isang awit ang lahat. Mabuhay ang iyong sining at sana ay lumawak pa ang iyong talino sa pagkatha ng musika.
[…] ibang kinatha ni Ryan ay puwedeng mapakinggan; paki-click lamang ang pahina-link ng Tudla. […]