The following literary pieces were created to honor the memory of Emerson “Emer” Jacinto (ESQ ’80) whose untimely passing on May 2, 2011 left a profound empty space in the collective heart of his brothers and sisters in the UP Varrons.
Haiku for Emer
by Loida Mance (Jeffrox ’77)Whispering like wind
in a quiet noon of May
as your last goodbyeNo one knew but Him
as you waved and turned away
to a place untoldSearching for answers
holding on to memories
of a friend who leftPonder not but seek
to rejoice that he who rest
is in peace with Him
PAANO KO BIBILANGIN ANG MGA TALA?
Kinatha ni Melissa “Lisa” Bengullo-Morales (Batch ’82)Paano ko bibilangin ang mga tala
Kung may kulimlim sa dapat pinagpala
Ano ang kahihinatnan ng mga ulap
Kung sakaling sa gabi, ay wala na ang busilakUmaalimpuyo ang ningning at liwanag ng buwan
Nguni’t pilit na kinukubli ng dilim ng kalangitan
Ano ang sasapitin ng timyas ng kaligayahan
Kung ang pangarap na ninanais, ay di na masisilayanPaano ko bibilangin ang mga tala
Kung patuloy ang paghampas ng tanikala
Kadilimang bumabalot, ayaw ko nang imukat
Mga mata ko’t katawan pilit na nagsisikapMeron pa ba talagang masisilayan
Sa gabing nakahimlay ang kariktan
Alingawngaw ng himig sa kadakilaan
Ano kaya ang sasapitin ng isipanPaano ko bibilangin ang mga tala
Bagama’t matibay ang dugtong ni Bathala
Saan na nga ba paparito
Kung hindi pa lumilipad ang mga alipatoPaano ko bibilangin ang mga tala
Kung ang bawat minuto ay ginagambala
Di ko nanaisin maging halimbawa
Bilangin man o hindi ang mga talaLumingap at magising na may isang tala
Bawat isang nakaalala ay nagsasalita
Kaya pa bang bilangin kasama na ang isang tala
Patuloy na sasambitin, minsan ay may napala.Sa tuwi-tuwina’y aking sasambitin
Basta ang isipin, darating din,
Bilangin man o hindi ang mga tala
Hahantong ang lahat kay Bathala!
Last Updated on October 12, 2016 by Tudla_Admin
Leave A Comment