Kinatha ni Tantso de Guzman (Humane Batch ’74)
Unang nailathala sa kanyang FB Notes
Mayo 18, 2012
Hinugot ang yamang DNA
Sa inahing palay
Binulatlat, hinati at idinikit sa isa pa
Nagsulputan ang maraming supling
Yumabong ang mga mabibintog na bunga
May pangakong sangkap ng talas
Ng mata at dugong pulang-pula.Dapithapon sa bukid kung
Saan inararo ng masusing pananaliksik
Matapos humupa ang mabunying anihan
Nakikipag-unahan ang isang laksang maya
Sa mga manggagawang-pakyaw
Sa pagsimot ng laglag
Na mabibintog na bunga.
Last Updated on October 12, 2016 by Tudla_Admin
Leave A Comment