[words of wisdom mula kay Janis Ian Samiano (Dynamic Duo ’04)]
Janis Ian Samiano

Janis today

Janis

Janis

Janis is a graduate of UP Los Banos with Development Communications as a major.  Her Facebook profile says: “pinili ko ang major na development journalism dahil hindi ako magaling magsulat.” She is an amateur photographer, a musician, a poet, and a “Facebook adik.” She is happy to share some of her quirky poetic posts in FB.


 

LOVE

Ikaw ang libag, ako ang panghilod
Ikaw ang sprain, ako ang panghilot
Ikaw ang buhok, ako ang pangkulot
Ikaw ang pitaka, ako ang mandurukot
.
.
parang pag-ibig din pala ang baradong ilong dahil sa sipon …
HINDI KA MAKATULOG, HINDI PA MAKAKAIN, at para kang may TIGYAWAT SA ILONG

MUSIC

G at G# ko …
asan na ang tunog mo …
.
.
wala akong alam sa musika,
hindi ako marunong tumugtog,
para sa akin,
ang Yamaha ay motorsiklo,
ang Casio ay relo,
ang Roland ay pangalan ng tao lamang,
ang Pearl ay nakukuha sa loob ng shell,
at si Fernando ay yumaong action star

PETS

o tuta kong adik,
ingay mo ay kay lupit
kahol mo ay kay bagsik
katawan mo ay kay siksik
kung kumain ka’y parang piknik
ihi mo laging sirit

SELF REFLECTION

May puntong sinasabi mo sa sarili mo na surrender ka na habang ang mga tagasubaybay mo ay sumisigaw ng “Tayo! Kaya mo pa!” Inggit na inggit ka din sa mga taong yon, dahil buti pa sila nakikita na may reserba ka pang lakas o talino, samantalang ang sarili mo ay nanlulumo na. Yun nga lang, hindi mo alam kung sino ang paniniwalaan mo: ikaw ba o sila. Dun nga ba nakakahugot ng lakas? Sa paniniwala na kaya mo pa?
.
.
KAHAPON:
dalawang beses akong sumimba.
ang una ay ala-sais ng umaga …
pagkatapos manood ng The Last Exorcism …
naisipan kong mas mabuting sumimba ulit ako ng 7:30 ng gabi … ^_^
.
.
gusto ko ng kalyo sa kamay …
pero kung pirming magtutuklap ang balat ko …
paano ako makakabuo ng kalyo?
.
.
kanina …
ang basa ng mata ko: 22nd
ang sabi ng bibig ko: twenty-second
ang sabi ng utak ko: secondty-second
gaano katanga ang utak ko???

BEAUTY

minsan talaga, may mga bagay kang makikita na magpapaalala sa yo na ikaw isang magandang nilalang sa loob at labas
.
.
bagong buhok … lumang mukha …
kahit ni-rebond walang nagawa
sino ako? kaibigan niyo!
ako si … IAN … hehehe
.
.
ang cute ko nung bata …
sana hindi na ako lumaki