Ryan Paradero

Ryan

Kinatha, isinaayos, at kinanta ni Ryan Paradero (SWC ’00). Si Ryan ay nagtapos ng Forestry sa UP Los Baños. Siya ay kasalukuyang isang Financial Service Representative sa E*Trade Financial sa Metro Manila.

Ang ibang kinatha ni Ryan ay puwedeng mapakinggan; paki-click lamang ang pahina-link ng Tudla.


ikawI

ikaw ay musika sa tenga
isang happy ending na istorya
para kang megalotto
oh kay hirap na ipanalo

II

para kang max chicken
talaga naman kilig to the bone
parang royal tru orange ohhh
kasi ikaw ang gusto ko

pre chorus:

para ‘kong isang mandaragat
sana’y masilo ka ng lambat

chorus:

pwede bang makasama ka (sige na)
gusto kong maangkin ka (pwede ba)
dahil ‘pag kasama ka ang feeling ko’y kakaiba
allow me naman na makapiling ka

III

ikaw ba ay kape?
di ako pinapatulog pag gabi
ngunit sa aking pagkakahimbing
ikaw ay malamig na simoy ng hangin

IV

oh kay ganda ng iyong mukha
kahit si angel walang panama
ooh tulad ng redbull
you make my energy full

pre chorus:

para ‘kong isang manlalakbay
na ikaw ang daan at tulay

chorus:

pwede bang makasama ka (sige na)
gusto kong maangkin ka (pwede ba)
dahil ‘pag kasama ka ang feeling ko’y kakaiba
allow me naman na makapiling ka

Last Updated on October 12, 2016 by Tudla_Admin