Ryan Paradero

Ryan

Kinatha, isinaayos, at kinanta ni Ryan Paradero (SWC ’00). Si Ryan ay nagtapos ng Forestry sa UP Los Baños. Siya ay kasalukuyang isang Financial Service Representative sa E*Trade Financial sa Metro Manila.

Ang ibang kinatha ni Ryan ay puwedeng mapakinggan; paki-click lamang ang pahina-link ng Tudla.


i hate linggo
I
isang jeep na naman ang dumaan
ilang oras na rin ang nakaraan
at nandito pa rin ako
inaabangan ang pag daan mo

II
kahapon naman dumaan ka
bakit ngayon wala ka pa
ohhh saan ka na nga ba?
ako ay naiinip na

chorus:
ohhh magandang dalaga
ohhh sa tuwing umaga
ang tanging nais ko
ikaw ay makita kahit man lang ilang minuto

oooh magandang dalaga
ohhh sa aking umaga
ito lang ang aking gusto
makita ko kahit simpleng ngiti mo

III
bakit nga ba wala ka pa?
anong oras na, alas 9 na
medyo mainit na nga dito
sa paborito kong pwesto

IV
pero bigla kong naalala
ay naku, linggo nga pala
malamang wala kang pasok
ayan tuloy gusto kong magmukmok

chorus:
ohhh magandang dalaga
ohh sa aking ala-ala
ngayong araw ng lingo
di ko makikita ang kagandahan mo

oooh magandang dalaga
ohhh sa aking umaga
isa lang ang aking gusto
sana matapos na ang araw ng lingo

ohhh magandang dalaga
ohhh sa tuwing umaga
ang tanging nais ko
ikaw ay makita kahit man lang ilang minuto

oooh magandang dalaga
ohhh sa aking umaga
ito lang ang aking gusto
makita ko kahit simpleng ngiti mo

Last Updated on October 12, 2016 by Tudla_Admin