Vic Nazareth

Vic

Ibinahagi ni Vic Nazareth (Twin Stars ’84)

Nakaka miss ba? Marami ba sa atin ang napangiti at naalala ang pagkain ng Anniversary Lunch na Ginisang Monggo at Pritong GG?

Simula noong undergrad pa ako, natatandaan ko, eveytime na Anniversary (except suguro Anniversary Milestone ) expected na kung ano ang pag kain, yon ay ang GINISANG MONGGO at PRITONG GALUNGGONG. Minsan kapag may dumarating na medyo galanteng alumni, ito ay nadadagdagan ng lechon manok. Ito ay nagpatuloy hanggang sa maging Alumni na ako. Kahit simple lang ang pagkain, karamihan sa atin lalo na ako, ay excited mag attend ng Anniversary at maki boodle fight sa nasabing pagkain kasama ang ating mga kapatid. Makikita mo ang galak sa bawat isa habang nakikipag agawan sa nalalabing pritong galunggong. Ang iba ay itinatago pa ang galunggong sa bunton ng kanin sa harap nila, haha.. Ito ay isang pagpapatunay ng pag mamahal ng bawat isa sa atin sa ating minamahal na kapatiran, ang UP Varrons Ltd.

Ang kanin, ginisang monggo at pritong galunggong, isang simpleng pagkain pero kaaama sa mga ala ala natin sa ating mahal na kapatiran, UP Varrons Ltd.

Ikaw? Oo ikaw!! Ano ang kwentong Varrons mo?

Varrons Sem-ender Get-Together October 2006Varrons Sem-ender Get-Together
(CFNR Playground, October 2006)
Varrons Tree Planting August 2012Varrons Tree Planting
(UP Laguna-Quezon Land Grant, August 2012)

Last Updated on August 24, 2023 by Tudla_Admin