Kinatha, isinaayos, at kinanta ni Ryan Paradero (SWC ’00). Si Ryan ay nagtapos ng Forestry sa UP Los Baños. Siya ay kasalukuyang isang Financial Service Representative sa E*Trade Financial sa Metro Manila.
Ang ibang kinatha ni Ryan ay puwedeng mapakinggan; paki-click lamang ang pahina-link ng Tudla.
I
isang jeep na naman ang dumaan
ilang oras na rin ang nakaraan
at nandito pa rin ako
inaabangan ang pag daan moII
kahapon naman dumaan ka
bakit ngayon wala ka pa
ohhh saan ka na nga ba?
ako ay naiinip nachorus:
ohhh magandang dalaga
ohhh sa tuwing umaga
ang tanging nais ko
ikaw ay makita kahit man lang ilang minutooooh magandang dalaga
ohhh sa aking umaga
ito lang ang aking gusto
makita ko kahit simpleng ngiti moIII
bakit nga ba wala ka pa?
anong oras na, alas 9 na
medyo mainit na nga dito
sa paborito kong pwestoIV
pero bigla kong naalala
ay naku, linggo nga pala
malamang wala kang pasok
ayan tuloy gusto kong magmukmokchorus:
ohhh magandang dalaga
ohh sa aking ala-ala
ngayong araw ng lingo
di ko makikita ang kagandahan mooooh magandang dalaga
ohhh sa aking umaga
isa lang ang aking gusto
sana matapos na ang araw ng lingoohhh magandang dalaga
ohhh sa tuwing umaga
ang tanging nais ko
ikaw ay makita kahit man lang ilang minutooooh magandang dalaga
ohhh sa aking umaga
ito lang ang aking gusto
makita ko kahit simpleng ngiti mo
Last Updated on October 12, 2016 by Tudla_Admin
Leave A Comment