Ryan Paradero

Ryan

Kinatha, isinaayos, at kinanta ni Ryan Paradero (SWC ’00). Si Ryan ay nagtapos ng Forestry sa UP Los Baños. Siya ay kasalukuyang isang Financial Service Representative sa E*Trade Financial sa Metro Manila.

Ang ibang kinatha ni Ryan ay puwedeng mapakinggan; paki-click lamang ang pahina-link ng Tudla.


anong anyo mo?I
Ano ba’ng anyo mo?
Tulad rin ba nila?
Lumang anino
Lumang prinsipyo

Pre:
Sa daan bang tinatakbo mo
Tinatahak ang daan ng pagbabago?

Chorus:
Sa bawat kulay at kultura
Isa ka sa sining na nagbibigay ng itsura
Sa pagsilang ng bagong anyo
Bagong panahon ang itatayo

II
Sa pagalaw ba ng oras
Kaluluwa mo ba’y nais umaalpas?
sa pag-usad ba ng panahon
Sa lumang sistema’y gustong umahon?

Pre:
Sa landas bang iyong tinutungo
Papalapit na ba sa malaking pagbabago?

Chorus:
Sa bawat kulay at kultura
Isa ka sa sining na nagbibigay ng itsura
Sa pag-usbong ng bagong talino
Ang lumang ikaw ay mababago

Bridge:
Kaya kaibigan ano pang tinatayo mo?
Tara na, halika na, baguhin mo!

Chorus:
Sa bawat kulay at kultura
Isa ka sa sining na nagbibigay ng itsura
Sa pagsilang ng bagong anyo
Bagong panahon ang itatayo

Last Updated on October 12, 2016 by Tudla_Admin