by Elizabeth “Elise” Benito (Spring ’09). Elise is a BA Communication Arts student at the University of the Philippines Los Banos. She is currently the Varrons Chronicler and the chair of the publication committee.
Sariling wika ay hindi ko gamay
Sa pagsulat ng tula ay hindi ako sanay
Ang gusto mo pa’y kwela, tipong nakakatawa
Sa katatawanan ay mapapatumbling ka
Pinipilit kong gumawa
Tulang sa’yo magpapahanga
Natalo man sa pusta
Pakikiligin naman kitang sadya
Sa mga salita kong mababaw at walang paksa
At mga bersong lahat halos nagtatapos sa ‘a’
Naiba lang iyong umpisa
Halatang pilit at walang kwenta
Sanay alam mo ang paghihirap kong ito
Ang hihingin kong kapalit siguradong alam na.
Alam ko ang nasa isip
Alam ko ang tawang pinipigil
Iwaksi ito at makinig, seryoso na
Natawa ka na, masaya ka na?
Walang pinatunguhan ang tulang ito
Hindi rin alam kung ika’y napatawa ko
Ang pagkapanalo mo’y hindi masasayang
Itong susunod ang tulang tunay.
Bata pa ako para sa’yo
Tatlong taon at siyam na buwan para eksakto
Akala mo lagi ako’y nagloloko
Pero eto ang para sa’yo
Para kang tag-init
Umaga pa lang, ako na’y nanlalagkit.
Tulad ka rin ng tag-ulan
Nagbigay-sigla sa tigang kong buhay
Tula’y wala nang patutungahan
Parang jeep na walang sakay
Driver na walang malay
At parang buhay kong walang ikaw
Last Updated on October 12, 2016 by Tudla_Admin
Leave A Comment