pasko 2013PARA SA …

mga pinutol ang simbang-gabi dahil di natupad ang nakaraang kahilingan;
mga naghahanap ng katuparan ng mga pangarap sa ibang bansa;
mga nakahanap ng katuparan ng pangarap sa sariling bansa;
mga security guards na matapat na ginagawa ang kanilang tungkulin;
mga mayor na utak wang-wang; mga Honestong hirap pagtakpan ang sariling kasinungalingan;
mga senior citizens na di nakakalimutan ang 20% discount sa Mercury at mga restaurants;
mga helper sa mall at supermarket na naghihintay ng P10 tip;
mga basurerong nagme-Merry Christmas;
mga paslit na ilang beses nang pabalik-balik sa pagka-caroling;
mga naghahanap pa rin ng cutie pie sa edad na cannot be found in the calendar;
mga nakatagpo na ng kanilang ‘papa’, ‘mama’, o parehong ‘mama at papa’;
mga confused sa nagdudumilat na kasarian;
mga tulad ni Maya na marunong magsikap sa buhay;
mga kaparis ni Ser Chief na pinalaya ng pagmamahal;
mga mahilig mangakong magbawas ng taba sa bilbil katulong ng sanlibong diet na binalahura;
mga binuhos sa food trip ang inis sa buhay;
mga naghahangad ng pagpanaw ng isang minamahal;
mga lumuha sa pagpanaw kahit ng isang di kakilala;
mga sinalanta, hindi lang ng Yolanda, kundi ng maraming unos sa buhay;
mga nakaranas ng emotional storm surge;
mga kumawala sa mahaba-habang sumpaan ng pagmamahal;
mga di kayang putulin ang tanikala ng maramot na pagmamahal;
mga di makalimutan ang tarantadong ex;
mga nagseselos sa bagong girl/boyfriend ng dating ex;
mga di makapag-move on, move out or move around;
mga nagmamahal nang di minamahal;
mga mahilig mag-selfie ng half-naked;
mga nag-delete ng Facebook account sa kung ano mang dahilan;
mga feeling bobo sa mga barkadang mas bobo;
mga inang walang kuwenta sa paningin ng anak;
mga anak na dapat nang talikuran;
mga inuna sa buhay ang pagpapayaman;
mga walang inuna sa buhay;
mga di makakita ng magic sa buhay…

ISANG…
mapagpatawad, mapagmahal, mapang-unawa at mapagpalayang
PASKO ng 2013.

-Tans

Last Updated on October 12, 2016 by Tudla_Admin