Kinatha ni Ryan Paradero (SWC ’00)
Sa pag-alala kay Rod Fuentes (Montreal ’76) na yumao noong Agosto 13, 2012


Rodrigo Fuentes

Rod

Bago pa magsimula ang klase
Magulo na tayo mga pare
‘Pag dating na ating guro
Kaagad tayong tahimik na uupoBago pa man matapos ang klase
Magulo na naman tayo mga pare
‘Pag alis ng ating guro
Kaagad tayong pupunta sa grupo

Masaya ang araw pag magkakasama tayo
Puro tayo tawanan, lokohan at mga biro
May mga araw din naman may tampuhan
Nagkakagalit at minsan nag-iinisan

Kapag may trobol, sama-sama tayo
Kapag mas marami kaaway, takbo tayo
Naalala ko pa nga noong nanliligaw tayo
tila nadilaan ng baka ang ating mga ulo

Eh yung mga panahong nabasted ako
Sabi mo, masyado lang akong gwapo
Nagtawanan pa nga ang ating grupo
Sabi nga nila para kang sira ulo

Nakatapos tayo ng ating ang kolehiyo
Dumalang na ang panahong nagkikita tayo
Noong nagkaron ng sariling mga pamilya
Mas lalong lumaki ang ating barkada

Ang di ko malilimutan sa mga sinabi mo
Na dapat maging matapang at matatag ako
Dahil ang pinakamalakas na kakampi ko
walang iba kundi ang sarili at sarili ko

Narating nga natin ang ating mga pinangarap
Kahit papaano naman nakaahon tayo sa hirap
Bilib nga ang barkada sa tindi ng iyong tapang
Sa iyong mga desisyon animoy walang alinlangan

Minsan isang araw narinig ko ang balita
Di ka na raw namin muli pang makakasama
Alam ko kahit sa huling sandali ng buhay mo
na hindi pa rin kami nawala sa alala mo

Akala lang nila di ka na namin makakasama
Ang di nila alam mas malapit ka pa nga
Di ko yata makakalimutan ang sinabi mo
Kahit ano mangyari walang iwanan pare ko

Alam ko na sa di kalayuan nakataw ka lang
Binabantayan kami at laging sinasamahan
Ang mga pagbibiro mo at mga banat mo
Parati pa rin kaming pinangingiti nito

Di rin naman magtatagal magkikita ulit tayo
Magbibiruan at muling magtatawan pare ko
Masaya kami dahil kapiling mo na si bathala
Pare ko pare ko salamat sa maraming ala-ala