random post taken from one of “Dearest” entries
by TDG
the 70’s
Kamiy tahimik na . . . bukas, ang tanong ay “naririto ka pa ba?” Nakaraan ang ilang araw . . . ang ilang buwan, unti-unti’y naglalaho rin pala . . . parang subo ng sinaing. Alin bang damdamin ang hindi? Kaya lang, maghilom ma’y balintukan . . . ang lamat ay mananatiling lamat.
Sawa ka na rin siguro, lalo’t hindi mo makita ang daan, ang liwanag sa dulo ng daan, ang susunod na daan . . . bukas, naririto ka pa ba?
Siguro’y mauuna kami . . . pero tulad ng isang tapat na kaibigan, mayroon pa ring isang babalikan . . . ang masaklap lamang ay baka hindi mo na rin maunawaan.
Ilan na lang, ano?
Maaaring bukas ay hindi ka na ganito, hindi ka na hingahan ng sama ng loob . . . kasi katulad ka rin ng kaibigang kong inilagay sa pedestal at hindi matanggap na ang iba ay mayroon ding hanggahan.
Siya at ako ay tahimik na.
Pero ang malungkot, malapit na ang araw na sinabi ko sa iyo . . .
Di bale, tutulungan pa rin kita; di ba iyon ang pangako ko sa iyo?
. . . KATULAD DIN NG NAGDAANG KAHAPON
Last Updated on October 12, 2016 by Tudla_Admin
Leave A Comment