Cloyd Louie Manzano

" data-image-caption="

Cyd

" data-medium-file="https://i0.wp.com/upvarrons.org/wp_tudla/wp-content/uploads/2025/07/Cyd_Manzano.jpg?fit=100%2C100&ssl=1" data-large-file="https://i0.wp.com/upvarrons.org/wp_tudla/wp-content/uploads/2025/07/Cyd_Manzano.jpg?fit=100%2C100&ssl=1" class="size-full wp-image-11074" src="https://upvarrons.org/wp_tudla/wp-content/uploads/2025/07/Cyd_Manzano.jpg" alt="Cloyd Louie Manzano" width="100" height="100" /> Cyd

The following poem was  created by Cloyd "Cyd" Louie Manzano (Katharsis '22) and posted on his Pahinaya page in Facebook on January 2, 2025. Cyd is a B.S. Biology student at the University of the Philippines Los Baños.

Lumipas ang panahon bago ang sunod na pagtagpo.
Hindi inaasahan ang sakit
na minsan ko nang inilibing malayo sa kabisera.
Ngayon, tila’y bumalik sa pagkamusmos,
Tanda ang ‘yong pag-alis.

Hindi naman siguro guguho ang mundo ko
Kung hindi kita minahal kahapon.
Paulit-ulit ko nang binubulong sa hangin na
Kaya ko ‘to, magiging ayos rin ako,
Ngunit hindi pa rin.

Makita lang kita,
Bagsak ang gusaling pinagtibayan
Nang ilang mahabang panahon
Para ibangon ang sarili,
Papalayo kung paano mo ako iniwan.

Sana kahapon,
Hindi na lang kita binati pabalik
ng maligayang bagong taon.
Sana kahapon,
Hindi na kita niyaya maglakad sa freedom park
Para hindi na kita mas makilala.

𝘒𝘶𝘯𝘨 𝘢𝘭𝘢𝘮 𝘬𝘰 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢 𝘨𝘢𝘯𝘪𝘵𝘰 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘬𝘪𝘵 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨-𝘪𝘣𝘪𝘨 𝘬𝘰 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢𝘺𝘰 𝘣𝘶𝘬𝘢𝘴,
𝘚𝘢𝘯𝘢, 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘯𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘮𝘪𝘯𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘬𝘢𝘩𝘢𝘱𝘰𝘯.
Para hindi ko na kailangan pang magtayo ng bagong palapag,
Sa gusaling alam kong ikaw ang kahinaan

Last Updated on July 24, 2025 by Tudla_Admin