Bilang pagprotesta sa pagsasa-batas ng Cybercrime Law (RA 10175) sa Pilipinas, malugod naming inilalathala ang mga sumusunod na tula dito sa Tudla.
Ang tulang ito ay isinulat sa pahina ni Dearest noong dekadang 70. Hindi mapagtanto ng Tudla kung sino ang may akda ng tula. Kung may alam kayo sa nagsulat ng tulang ito, maaari lamang ipag-bigay alam sa amin sa pamamagitan ng Contact Us page. Salamat po.
Sapagkat ang araw, buwan at bituin
may piring, madilim
Sa gabi –
Ang manok tumitilaok pa rin ba
kung paos na ang tinig?
Ang hamog dumadapo pa rin ba
kung tuyot na ang damo?
Ang orasan tumitiktak pa rin ba
sa daos ng panahon?
Ang makina umaangil pa rin ba
kung basa na ng pawis?
Ang araw sumasakyod pa rin ba
kung basa na ng dugo?Mahal ko
Sapagkat ang araw, buwan at bituin
may piring, madilim
Kung gayon, tara
Sagutin natin ang bugtong
ng dantaong kahirapan
Ating pagbuklurin
ang isip at damdamin
upang hawiin ang dilim.
Last Updated on October 12, 2016 by Tudla_Admin
Leave A Comment