Ang mga sumusunod ay isinulat sa pahina ni “Dearest” noong 1970’s. Hindi mapagtanto ng Tudla kung ito ay orihinal na katha o kinuha sa isang orihinal na komposisyon. Kung may alam kayo tungkol sa may akda o tungkol sa mga sumusunod na katha, maaari lang po ipagbigay alam sa Tudla sa pamamagitan ng Contact Us page upang maisulat namin ang nararapat na impormasyon. Salamat po.
huwag mong tularan
ang mga bituin
sa gabing nag-aagaw buhay
manapa’y tularan mo
ang mga bulaklak
tahimik na nakikipagtunggali
sa kadiliman
upang bumukadkad sa
maliwanag na BUKAS
Last Updated on October 12, 2016 by Tudla_Admin
Leave A Comment