" data-image-caption="
Cyd
" data-medium-file="https://i0.wp.com/upvarrons.org/wp_tudla/wp-content/uploads/2025/07/Cyd_Manzano.jpg?fit=100%2C100&ssl=1" data-large-file="https://i0.wp.com/upvarrons.org/wp_tudla/wp-content/uploads/2025/07/Cyd_Manzano.jpg?fit=100%2C100&ssl=1" class="size-full wp-image-11074" src="https://upvarrons.org/wp_tudla/wp-content/uploads/2025/07/Cyd_Manzano.jpg" alt="Cloyd Louie Manzano" width="100" height="100" /> Cyd
The following poem was created by Cloyd "Cyd" Louie Manzano (Katharsis '22) and posted on his Pahinaya page in Facebook on November 16, 2024. Cyd is a B.S. Biology student at the University of the Philippines Los Baños.
Hindi mabilang ang panahon,
lalo na sa’twing
ang maliwanag na buwan ay
naghahari sa kalupaan,
Ang pagmamalabis sa oras na pagsagot
Sa mga walang katapusang dahilan
Kung bakit walang pagtangis sa kalungkutan.
Baka siguro’y pinaniwalaang ang
Pagbagsak ng likidong nanggaling sa mata’y
Simbolo ng kahinaan.
Ngunit hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay ganito.
Hindi parating basa ang luha.
May pagtangis sa kalakasan.
May paghikbi sa mga oras ng pagtitig
Sa blankong pader at kisameng
Hindi masabi ang pahihiraya
Kung wasto ang bawat piyesng
Inaawit ng puso,
Dahil muli,
Hindi parating basa ang luha.
Last Updated on July 24, 2025 by Tudla_Admin


Leave A Comment