SINO SI SEVERINO “DOK” VERGARA (Batch ’68)?

(Kandidato Para Kinatawan, Laguna 2nd District)

Ipinanganak sa Brgy. Looc, Calamba, lumaki sa Brgy. Sampiruhan, Calamba, nakaranas magsiklat ng kawayan, magsalap ng dulong, nagpingga ng suso para sa inaalagaang 100 itik noong siya ay nasa elementarya lamang. Nagbebenta rin siya ng rebentador pag Christmas vacation.

Berong Vergara

Dok Berong

Dahil masunurin sa mga magulang, may angking kasipagan sa pag-aaral at pagiging madasalin, naging magaling siyang estudyante. First honor siya mula Grade l  at naging consistent iskolar siya haggang sa nag-graduate siyang “Cum Laude” noong 1970 sa UP Los Baños sa kursong B.S. Agriculture, Major in Agricultural Economics.

Siya ang nagluluto ng kanyang pagkain noong siya ay nag-aaral sa Los Baños at pag weekend ay bihira siyang magdala ng aralin para naman siya ay makatulong sa kanyang ama na isang mangingisda at makapaglinis ng bahay bilang tulong sa ina na nagtitinda sa palengke.

Naging miyembro ng Council of Student Leaders sa UPLB at nakaranas maglakad mula sa UPLB gate hanggang sa Agrifina Circle at Quezon Circle para tulungang ipaglaban ang karapatan ng mga mahihirap na magsasaka sa Laguna. Naging Grand Varron siya ng UP Varrons, Ltd. At nakaranas sumali sa mga rally at baricada.

MATALINO AT MAPAGMAHAL SA BAYAN AT MAHIHIRAP

Nabigyan siya ng SEARCA Fellowship noong 1972 para magtapos ng M.S. Agricultural Economics noong 1974 at nagkasuwerteng nanalo sa paligsahan para mabigyan ng Fellowship Grant ng Agricultural Development Council, Inc., isang Foundation sa New York, para magtapos ng MBA Banking and Finance at PhD. Agricultural Economics sa Ohio State University, Columbus Ohio, U.S.A. noong 1981. Umuwi mula sa Amerika noong 1981 bagamat may magandang trabaho sa Bank of America na noon ay isa sa pinakamalaking bangko sa buong mundo. Bagamat maliit lang ang sahod ay nanatili sa kanyang trabaho sa UPLB bilang Researcher, Training Specialist, Professional Lecturer at Asst. Professor sa Agricultural Credit and Cooperative Institute (ACCI) at sa College of Economics and Management. Naging Chairman of the Board and President din siya ng pinakamalaking Credit Cooperative sa Region 4, ang UPLB Credit Cooperative, Inc. at pinalawak niya ang mga miyembro nito na nasa labas ng UPLB noong term niya. Pagkatapos na ma-establish niya ang Business Affairs Office sa UPLB ay lumipat siya sa Land Bank of the Philippines dahil sa oportunidad na makatulong sa mahihirap na magsasaka, maliliit na negosyante at mga kooperatiba.

Noong nasa Land Bank siya ang nag-umpisa ng pagtatayo ng Rural Banking Group na siyang nagpapautang sa mga Rural Banks, Private Development Banks and Savings and Loans Association para naman ang mga ito ay mapalaki ang kanilang pagpapautang sa mga maliliit na negosyante at kooperatiba. Ipinaglaban niya na magkaroon ng Cooperative Movement Strengthening Program ang Land Bank sa pagtatayo ng mga bagong Cooperative Banks at maglagay ng “Cooperative Organizers” sa mga piling Rural Banks.

Naging consultant siya ng SGV, USAID at iba’t ibang ahensiya ng gobyerno tulad ng Dept. of Agriculture (DA), DENR, Central Bank, KKK, Ministry of Human Settlements, at nagging Director din siya ng Policy Research and Analysis Office ng KKK, National Secretariat.

MGA PANINIWALA AT PANGARAP NI DOK VERGARA PARA SA BAYAN AT MAHIHIRAP

Ang kurapsiyon ang isang pangunahing dahilan ng patuloy na kahirapan ng marami nating kababayan.

Kung walang kurapsiyon sa Pamahalaan National at Local, wala ng magiging mahihirap sapagkat bawat pamilyang mahirap ay puwedeng mabigyan ng PhP 100,000 bawat taon.

Hindi mawawala ang kurapsiyon pero pwedeng mabawasan sa pamamagitan ng vigilanteng mga individual at grupo ng mga matutuwid na elected at appointed officials. Kung maibaba ng kalahati (50%) and antas ng kurapsiyon sa Pilipinas, na ayon sa pagsusuri ng World Bank ay 40%, sa loob lang ng 3 taon ay maglalaho na ang kahirapan sa ating bansa.

Ang isang maruming election na pinaghaharian ng perang ninakaw naman ng trapong pulitiko sa kaban ng bayan ang siyang ugat ng kurapsiyon sa pamahalaan. Hindi nanaisin kailanman ng mga trapong pulitiko ang “kunwaring pagmamahal” sa mahihirap pag malapit na ang eleksiyon.

Bukod sa paggapi ng kurapsiyon sa pamamagitan ng “di pera-perang eleksiyon”, ang isang mabisang susi sa pagkalas sa kadena ng kahirapan ay isang de-kalidad na edukasyon para sa mahihirap. Dapat taasan ang porsiyento ng property tax na dapat mapunta sa Science and Education Fund (SEF) at dapat mabago ang composition ng Local School Board at ang mga dapat paggastusan ng SEF pati na rin ng mga policies and procedures nito. Dapat ding maglaan ng malaking pondong national para sa educasyon. Dahil sa 12 lamang ang nakakagraduate sa kolehiyo sa bawat 100 estudyante na nagsimula sa elementarya, dapat magkaroon ng malawakang pero de-kalidad na Voc-Tec Education Program sa mga mahihirap na di nagkakaroon ng pagkakataon na makatuntong o makatapos sa kolehiyo. Dapat parte ng SEF ay magamit sa mga scholarships para sa mahihirap na may kakayahang magaral sa kolehiyo.

Dapat bigyan ng madiing pansin at mataas na prioridad ng gobyerno ang pagpapaunlad ng kabuhayan sa pamayanan. Dapat magkaroon ng “National Credit Program” na walang pagtaboy sa anumang commodity, may kiling sa kooperatiba at may malaking partisipasyon ang mga pribadong sector, NGOs at Religious Groups. Dapat walang kinalaman ang pulitika kung sino and dapat pautangin.

Dapat magbigay ng incentives for rural investment kahalintulad ng incentives na ibinibigay ng gobyerno sa mga banyagang mamumuhunan.

Ang Local Government Code ay magandang batas subalit napapanahon na para ito ay maamyendahan para bigyan ng “ngipin” ang magagandang provision nito na winawalang halaga ng mga trapong pulitiko dahil di naman sila napaparusahan kung hindi nila gawin ang mga itinadhana ng batas na ito. Dapat maging “Open at Transparent” sa publiko “ang Planning at Budget Process” ganon din ang pagbibidding ng mga proyekto para mabawasan ang kurapsiyon. Dapat malaki ang role ng pribadong sector sa mga prosesong nabanggit.

Pangarap ni Dok Vergara na ang mga mahihirap na pamilya na mayroong sipag at pagpupunyagi at tamang pagpapahalaga ay magkaroon ng livelihood skills at konting puhunan para sila ay umunlad sa sariling pagsisikap.

GALIT SA KURAPSIYON, MATULUNGIN SA MGA MAHIHIRAP

Palibhasay galing siya sa mahirap na pamilya, galit si DOK VERGARA sa kurapsiyon. Bawat milyon ninanakaw sa kaban ng bayan dahil sa OVER-PRICING, GHOST PROJECTS, NO DELIVERIES O DI KAYA NAMAN UNDER-DELIVERIES ay mga perang sana ay mapupunta sa mga social services project para sa mga mahihirap. Kaya naman di siya natatakot ibunyag ang mga iba’t ibang uri ng kurapsiyon na nakakarating sa kanyang kaalaman, sukdulan dalhin niya ito sa OMBUDSMAN.

Bago paman pumasok sa pulitika noong 1998, binago na ni DOK and kanyang lifestyle para sa mga mahihirap. Nawalan na siya ng ganang maglaro ng Golf, magpunta sa Firing Range para magsanay ng pagbaril, at gamitin ang kanyang speedboat at jetski. Itinigil naring niya ang marangyang pagdadaos ng birthdays at anniversaries. Bihira na ring siyang Lumabas ng bansa. Pero nakakahiya man pong banggitin lalo niyang pinag-ibayo ang pagtulong sa mga mahihirap through scholarships, medical and burial assistance, medical and dental mission, Christmas gift-giving at donations to various charitable institutions. Ginagawa niya ito ng “tahimikan lamang” at walang publicity dahil naniniwala si DOK VERGARA na “Ang ibinigay ng kaliwang kamay ay di dapat malaman ng kanang kamay.” Kapag na-dedelay ang suweldo ng mga casual or even regular employees sa City Hall, si DOK VERGARA ang nagpapahiram sa mga ito ng walang interes, kung minsan nga kulang pa ang bayad sa kanya.

Sa kabila ng walang operating budget, isinasakripisyo ni DOK VERGARA ang paguumpisa ng pagtatayo ng City College of Calamba. Siya ay nag-advance ng pera para pambili ng supplies and materials at siya rin ang nagpabale para sa suweldo ng mga staff sa loob ng 3 buwan. Hindi niya pinayagan ma-admit ang di nakapasa sa admission tests kahit na matitinding mga tao ang nakikiusap sa kanya at walang nagging palakasan sa pag-recruit ng teaching staff. Si Dok Vergara ay walang hininging suweldo o honorarium bilang Founding President ng City College of Calamba sa loob ng isang taon. Malimit nga ay siya pa ang nagbabayad ng “Miscellaneous Fee” ng mga mahihirap na estudyante.

Last Updated on October 12, 2016 by Tudla_Admin